(Eagle News) — Binatikos ng mga taga-suporta ni vice president-elect Leni Robredo ang naging dahilan ni president-elect Rodrigo Duterte kung bakit hindi bibigyan ng puwesto sa gabinete ang pangalawang pangulo.
Una nang inihayag ni Duterte na hindi niya bibigyan ng puwesto si Robredo dahil sa ikinukonsidera niya ang posibleng mararamdaman ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tinalo ng kongresista sa vice presidential race.
Anila, taliwas ito sa naging pangako ni Duterte noong kampanya nito na tatalikuran ang kanyang mga kaibigan sa sandaling magsimula na ang kanyang tungkulin sa bayan.
Gayunman, umaasa pa rin ang Robredo supporters na mabibigyan ng puwesto sa gabinete ang incoming vice president.