Aprubado na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng “no contact apprehension” policy upang madisiplina ang mga pasaway na motorista.
Magiging epektibo ito sa susunod na buwan.
Bukod dito, nagdagdag ang ahensya ng cctv cameras sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila para mahuli ang mga lumalabag.