“No gown” dress code sa 3rd SONA ni Pangulong Duterte, mananatili

(Eagle News) – Hindi pa rin pinahihintulutan ng gobyerno ang mga fashionistang gown para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasagawa sa Hulyo 23, 2018.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakagawa naman ng paraan ang mga babaeng mambabatas na magmukhang glamoroso kahit na ipinagbawal ang gown sa mga nagdaang SONA.

Ayon kay Roque, sa kabila ng pagpapatupad ng simpleng dress code nitong mga nagdaang SONA ay naging elegante naman naging pagdadala ng mga dumalo.

Ang naturang kautusan ng Palasyo ay bilang pagtalima sa kagustuhan ng Pangulo na gawing simple ang kanyang ulat sa bayan.

Sa halip na naggagandahan at nagmamahalang gowns at suits ay hinikayat ang mga mambabatas at guests na magsuot na lamang ng business attire at kasuotang aangkop sa nasabing pagtitipon.

Related Post

This website uses cookies.