MANILA, Philippines (Eagle News) — Umapela sa publiko si Interior and Local Government Sec. Ismael “Mike” Sueno na iwasan ang test at prank calls sa hotline number 911 ang pinaka-bagong emergency hotline number.
Ayon kay Sec. Sueno, nakasasagabal ang prank calls sa mga totoong gumagamit ng hotline at nangangailangan ng tulong.
Nakatakda ring makipag-usap ang kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa apelang ito sa publiko.
Ayon naman kay DILG under-Secretary Jesus Hinlo Jr., kailangang turuan ang publiko sa tamang pag-gamit ng hotline number 911 para ma-iwasan ang test at prank calls.
Sisimulang gamitin ang bagong 911 emergency hotline number sa August 1.