Noise barrage protest isinagawa ng samahan ng mga jeepney driver

MUNTINLUPA, Metro Manila (Eagle News) – Nagsagawa ng “Noise Barrage Protest” nitong Lunes, Pebrero 20, ang samahan ng mga jeepney drivers. Ito ay upang tuligsain ang plano ng gobyerno na jeepney phase out sa taong 2018.

Ayon kay Mr. George San Mateo, Presidente ng Piston Land Transport, napakalaking epekto aniya nito hindi lamang sa mga jeepney driver kundi maging sa mga commuter.

Sa darating na Biyernes, Pebrero 24, 10:00 ng umaga ay magkakaroon ng Press Conference sa National Press Club. Sa susunod na linggo naman ay aasahang gaganapin ang “National No to Jeepney Phase Out Protest.”

Eagle  News Service Charlene Mae Delos Reyes, Naomi Albo

Related Post

This website uses cookies.