Non-partisanship oath, nilagdaan ng South Cotabato PNP

SOUTH COTABATO (Eagle News) — Isang non-partisanship oath ang nilagdaan ng kapulisan sa South Cotabato  kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo 9.

Layunin anila ng naturang hakbang ang paalalahanan ang mga alagad ng batas na bawal sa kanilang hanay ang lumahok sa kahit na anong gawain ng mga pulitiko.

Bukod dito, tinitiyak din anila sa sinumpaan ng mga pulis ang pagbibigay ng proteksyon sa mga balota maging ang seguridad sa mga mamamayan.

Samantala, kasabay ng oath-taking, siniguro naman ng South Cotabato PNP na nakaalerto ang kanilang mga tauhan sa panahon ng papalapit na eleksyon.