(Eagle News) — Apektado pa rin ng habagat o southwest monsoon ang northern at central Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ngayong araw ay apektado ng habagat ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Ang nasabing mga lugar ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Maaaring magdulot ng flashfloods at pagguho ng lupa ang mararanasang katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan dulot ng thunderstorms.
https://youtu.be/_MFxpXct2Pk