NPA hawak ngayon ang 14 ‘prisoners of war’

(Eagle News) – Labing-apat (14) na katao na tinagurian nilang ‘prisoners of war’ ang hawak ngayon ng New People’s Army (NPA).

Kabilang sa mga bihag ng NPA ang dalawang sundalo at labing dalawang (12) miyembro ng Citizens Armed Geographical Unit (CAFGU).

Ang impormasyon ay kinumpirma ni Col. Noel Detoyato, chief ng Armed Forces Public Affairs Office, ngunit hindi nito makumpirma ang impormasyon ukol sa mga miyembro ng CAFGU.

“Yes, that is why we have ongoing operations in the area and you know their actions, this only confirms that they are a terrorist group because only terrorists do what they did — abduct people,” aniya.

“So we have to be on the lookout and we are advising everybody that if ever they have information leading to the arrest of these abductors, it will help our operations a lot,” dagdag pahayag nito.

Ang mga bihag ay tinangay ng limampung (50) miyembro ng NPA na sumalakay sa barangay New Tubigon Sibagat, Agusan Del Sur nitong Miyerkules ng medaling araw.

Sinabi ng Communist Party of the Philippines (CPP) na maayos nilang trinatrato ang prisoners of war.

Handa anila silang palayain ang mga bihag kung ititigil ng Armed Forces of the Philippines (afp) ang opensiba laban sa NPA ngayong holiday season.

Related Post

This website uses cookies.