(Eagle News) – Umaabot sa Php 460 milyon ang taunang nasisingil ng mga komunistang rebelde bilang revolutionary taxes sa dalawang lalawigan sa Southern Mindanao.
Ayon kay Philippine Army 1001st Infantry Brigade Col. Erwin Bernard Neri, hindi bababa sa 60 % ang nakukuha ng mga komunista mula sa mga minahan sa mga bayan ng Monkayo, Maco, Pantukan at Nabunturan sa Compostela Valley na pawang hitik sa ginto.
Maliban pa aniya sa mga small at large-scale mining operators, nangongolekta rin ang New People’s Army (NPA) maging sa mga sari-sari store. Kinokolektahan rin nila ang mga malalaking taniman ng saging sa Compostela Valley at Davao del Norte, at pati na rin ang mga tumatakbong pulitiko tuwing may eleksyon.
Ayon naman kay Lt. Col. Esteven Ducusin, Commander ng 46th Infantry Battalion, nahihirapan silang sundan ang pinagmumulan ng malaking pera na nakukuha ng NPA.
(Eagle News Service)