(Eagle News) — Nanindigan si National Security Adviser Hermogenes Esperon na hindi na kailangan pang maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.
Kamakailan, napaulat ang paglapag ng long range bomber ng China sa Woody Island na nasa West Philippine Sea na nagdulot ng pangamba sa ilan.
Ayon kay Esperon, hindi dapat maalarma ang publiko dahil bahagi lamang umano ng drill ang ginawa ng China.
Pero giit ng opisyal, hindi ibig sabihin na wala ng ginagawa ang pamahalaan para protektahan ang soberenya nito sa West Philippine Sea.
Sa harap na rin ito ng batikos na wala umanong ginagawa ang gobyerno para itaguyod ang interes ng bansa sa naturang lugar.