CABANATUAN CITY, Nueva Ecija (Eagle News) – Inaprubahan na ng Sanguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang hiling ni Governor Cherry Umali na mailagay sa state of calamity ang lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa pinsalang tinamo noong nag-daang bagyong Karen at Lawin.
Sa mga isinumiteng mga dokumento ng Hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, Hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office, at ang Assistant Agriculturist ng Office of the Provincial Agriculturist, nagpatunay ito na ang lalawigan ay kailangan sumailalim sa State of Calamity dahil sa malaking pinsala ang idinulot ng nagdaang kalamidad sa agrikultura at imprastraktura.
Tinatayang nasa 1.4 billion pesos ang nasira sa pananim na palay, 15 million pesos naman sa mais at 92 million pesos naman ang nasira sa mga pananim na gulay.
Pinanukala ni Sangguniang Panglalawigan Baby Palilio sa ginanap na Session sa Sanggunian, noong Martes, October 25, 2016 na sinang-ayunan naman ng lahat ng mga board member, ang kahilingan ng Governador na pagdedeklara ng State of Calamity sa Probinsya. Ito ay upang makatulong sa mga naapektuhan ng bagyong Karen at Lawin lalo na sa mga magsasaka na nasiraan ng pananim.
Mel Ciriaco – EBC Correspondent, Nueva Ecija