(Eagle News) — Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding sa mga pribadong sasakyan sa Metro Manila para sa December 23 at sa December 29.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, layon ng suspensyon na mabigyang pagkakataon ang mga motorista na makabiyahe ng maaga patungo sa kanilang mga destinasyon para sa holiday season.
Inaasahang sa Biyernes, December 23 ang dagsa ng mga motorista at December 29 pa lamang ay magsisimula nang bumiyahe ang mga uuwi sa lalawigan para sa bagong taon.
Suspendido din ang number coding sa December 26 at January 2 na parehong araw ng Lunes dahil idineklara itong special non-working holiday ng Malakanyang.
Gayundin sa December 30, araw ng Biyernes na isang regular holiday.