(Eagle News) — Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding para sa mga provincial bus simula ngayong araw December 22, at sa December 26 araw ng Martes.
Ito ay upang matiyak na sasapat ang mga pampasaherong bus na bibiyahe sa mga lalawigan.
Ayon sa MMDA, inaasahang dadagsa na ang mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan ngayong araw ng Biyernes.
Habang sa Martes naman, December 26, posibleng dumagsa ang mga pasaherong luluwas ng Metro Manila.
Iiral pa rin ang coding sa mga pribadong sasakyan at iba pang pampublikong sasakyan.