MANILA, Philippines (Eagle News) – Nanawagan si National Youth Commission Chair Aiza Seguerra na bigyan pa ng pagkakataong mapanatili ang Sangguniang Kabataan (SK) sa gitna ng mga pahayag ng maraming mambabatas na humihiling na i-abolish na ito.
Matatandaang nauna ng sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na nais niyang buwagin ang SK, kasama na ang mga Barangay Councilor, sapagkat hindi na kailangan ang papel ng mga ito dahil ang lahat ng sektor ay mayroon nang kinatawan sa kongreso. Ayon pa kay Alvarez, sa kasalukuyan ay kalakaran aniya ang pagtanggap ng suweldo ang mga kinatawan ng SK nang wala namang ginagawa at nagagamit pa sa pangungurakot.
Nais naman ni Seguerra na maki-pagpulong kay Speaker Alvarez at iba pang mga mambabatas at ilang tagasuporta ng SK upang mapag-usapan ito.
Iginiit pa ni Seguerra na iba talaga kapag nabibigyan ng boses ang kabataan dahil sila lamang makapagsasabi kung ano ang kanilang tunay na kailangan.
Courtesy: Jet Hilario