LUCENA CITY, Quezon (Eagle News) – Inilatag ni Lucena City Mayor Roderick Alcala ang solusyon sa problemang trapiko sa kanilang lungsod. Nagpatawag na sa nakaraan ng pagpupulong ang alkade sa mga pangulo ng mga TODA upang pag-usapan ang problema sa trapiko.
Tinatayang nasa 6,000 tricycle drivers ang namamasada sa buong Lucena City. Kalahati dito ay mga kolorum. Ayon sa napagkasunduan, bibigyan aniya ng prayoridad na pagkalooban ng prangkisa ang mga lehitimong Lucenahin. Para matuldukan na rin ang problema sa trapiko ay sinang-ayunan ng lahat ang Odd-Even Scheme, na kung saan:
- Odd: Papasada ng 6:00am – 1:00pm
- Even: Papasada ng 1:00pm – 7:00pm
Sa pagitang oras na 7:00 am – 6:00 am ay malayang makakapamasada ang kahit sino. Ang implementasyon ng kasunduan ay magiging epektibo sa unang araw ng Disyembre. Sa araw ding ito ay magsisimula na ang pagpapataw ng disiplina sa mga lalabag sa kasunduang ito.
Glenn Legaspi – EBC Correspondent,