QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Pinahintulutan ang mga uuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) na ilipat ang kanilang registration bilang over-seas absentee voter sa local registry upang maka-boto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 31.
Ito ay matapos maka-tanggap ng kahilingan ang comelec mula sa OFWs na payagan silang ilipat ang kanilang registration.
Maaaring mag-file ng application for transfer of registration ang OFWs hanggang Hulyo 30.
Gayunpaman, limitado lang ito sa mga nais bumoto sa kanilang residence at hindi aplikable sa mga nais ilipat ang kanilang registration sa ibang residence.