(Eagle News) — Muling magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.
Ang nasabing dagdag singgil ay epektibo sa Martes, Hulyo 31.
Ayon sa industry sources, aabot sa one peso (Php 1.00) hanggang one peso and fifty centavos (Php 1.50) ang dagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina.
Maglalaro naman sa ninety centavos (Php 0.90) hanggang piso (Php 1.00) ang itataas ng kada litro ng diesel habang ang kerosene o gas ay magtataas din ng seventy centavos (Php 0.70) hanggang eighty centavos (Php 0.80) sa kada litro.
Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng posibilidad na idagdag ang huling bugso ng pagtaas sa presyo ng ethanol, na isa sa mga sangkap ng gasolina sa Pilipinas.