(Eagle News) — Nagbawas ang Pilipinas Shell at Phoenix Petroleum Philippines ng 90 sentimos sa bawat litro ng diesel at 40 sentimos naman para sa gasolina.
Ipinatupad ng Shell ang rollback kaninang alas-dose uno (12:01) ng hatinggabi habang ala-sais (06:00) naman ng umaga Agosto 4 sa Phoenix Petroleum.
Sitenta (70) sentimos naman ang ibinaba ng kerosene ng Shell.
Ito na ang ikapitong beses na sunod-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa Department of Energy, ang average price sa kada litro ng diesel ay nasa P26.65 at P44.45 naman ang gasolina sa National Capital Region (NCR).