Eagle News — Sinampahan ng disbarment case sa Korte Suprema si Ombudsman Conchita Carpio Morales dahil sa pag-abswelto kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa isyu ng Disbursement Acceleration Program( DAP).
Ang disbarment case laban kay Morales ay inihain ni dating Manila Councilor Greco Belgica na isa sa mga petisyoner noon na kinuwestiyon ang DAP sa Korte Suprema.
Ayon kay Belgica, nilabag ni Morales ang lawyer’s oath nang aprubahan nito ang resolusyon na nag-aabswelto kay Aquino sa isyu ng katiwalian sa DAP.