One Million Lapis Campaign, isinagawa ng DepEd-Batangas

BATANGAS CITY, Batangas (Eagle News) – Nagtipon-tipon ang mga guro sa buong dibisyon ng Batangas nitong Biyernes (May 12) para sa proyektong “One million Lapis Campaign” ng Department of Education.

Naglalayon ito na makapagbigay ng tulong sa mga batang mag-aaral sa pamamagitan ng pangangalap ng pondo para sa kanilang edukasyon at school supplies.

Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng isang espesyal na proyektong tinatawag na “Hakbang, takbo at indak para sa edukasyon 2017” sa Bolbok Sports Complex.

Ang nalikom na pondo ay mapupunta sa pagbili ng mga learning materials o school supplies katulad ng kwaderno, lapis, pambura, atbp.

Lumahok ang mga guro sa walkathon, marathon, at zumba.

Nagkakahalaga ng P250 ang registration fee para rito.

Lyn C. Lalamunan – EBC Correspondent, Batangas

Related Post

This website uses cookies.