Online streaming sa Customs, sinimulan na

Mapapanood na ng publiko online ang anumang aktibidad sa loob at labas ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Maynila.
Sinimulan na ngayong araw ang soft launch ng online streaming ng BOC sa layong maitaguyod ang transparency sa bawat transaksyon ng ahensya.
Apatnapung closed circuit television cameras ang ikinabit ng BOC sa kanilang tanggapan. Kabilang na ang opisina mismo ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Sa control center ng BOC, kokontrolin ang mga ikinabit na camera.
Limitado muna sa sampung tao ang pwedeng manood ng online streaming na ma-a-access sa public ip address nito
May username at password na gagamitin bago mapanood ang live streaming.
Public IP address
119.92.124.28
Username: guest1 (up to guest10)
Password: password123 (same for all 10 usernames)
Sa susunod na Linggo, bubuksan sa media ang command center ng BOC.