SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Nagsimula na ang operasyon ng commercial flights sa Surigao City, Surigao del Norte nitong Lunes ng umaga, March 13. Pansamantalang itinigil ang mga flight sa nasabing paliparan matapos itong salantain ng lindol noong nakaraang buwan.
Ayon kay Engr. Junelito Abrazado, CAAP Manager ng Surigao City Airport, unang nagbalik ng operasyon ang Cebu Pacific na mayroong rutang Cebu-Surigao-Cebu. Nakatakda naman ang operasyon ng Philippine Airlines sa March 26.
Dagdag pa ni Abrazado, hinihintay pa nila ang kumpirmasyon ng dalawang kompanya sa mga flight na Manila-Surigao-Manila kung kailan ito ibabalik. Mayroon din aniyang mga adjustments na ginagawa ang kompanya sa mga schedule ng mga byahe nito.
Jabes A. Juanite – EBC Correspondent, Surigao del Norte