QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa ngayon ay minomonitor ng ahensya ang pagbuo ng La Niña na posibleng maranasan sa huling bahagi ng taon o “ber” months.
Nasa neutral condition ang panahon ngayon kung saan hindi El Niño o La Niña ang nararanasan sa bansa.
Ang weather systems na makakaapekto ngayong buwan ay hanging habagat, intertropical convergence zone, low pressure area at isa hanggang tatlong bagyo na maaaring pumasok sa Philippine Area Of Responsibility (PAR).