Oplan Galugad sa NBP, muling isinagawa

Photo captured by Eagle News Service, Erwin Temperante

(Eagle News) — Bandang alas singko ng madaling araw kahapon, Hulyo 27, nang sabay-sabay na palabasin sa selda ang mga preso sa minumum at maximum compound sa New Bilibid Prison.

Bahagi ito ng sorpresang Operation Galugad na pinangunahan ng bagong contingent ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF).

Isa-isa ring kinapkapan ang mga bilanggo na tinipon sa open grounds.

Personal itong sinaksihan nina Philippine National Police Chief Ronald Bato Dela Rosa, Philippine Drug Enforcement Agency Director Isidro Lapena at ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre

Marijuana at empty sachet ng shabu, narecover

Hilalughog din ng SAF ang bawat kwarto kung saan ilang kontrabando ang narecover. Kabilang na rito ang isang plastic ng marijuana at empty sachet ng hinihinalang shabu.

Patunay raw ito na patuloy pa rin ang bentahan ng illegal na droga sa Bilibid.

Iba’t ibang patalim sa selda, nabawi rin ng mga otoridad

Narecover din ang iba’t-ibang uri ng patalim na itinatago ng mga bilanggo.

Nito lang Martes, Hulyo 25, pinalitan na ng pamunuan ng SAF ng panibagong contingent ang kanilangtropa sa NBP na idineploy noon pang nakarang taon.

Kasunod na rin ito pahayag ni Aguirre na nanumbalik umano ang drug trade sa Bilibid kung saan sangkot ang ilang SAF troopers.

Eagle News Service, Mar Gabriel

Related Post

This website uses cookies.