MANILA, Philippines (Eagle News) — Mas paiigtingin pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) katuwang ang ilang civil groups ang kanilang kampanyang ”Oplan Isnabero” ngayong holiday season.
Taong 2016 nang una itong inilunsad ng LTFRB ngunit dahil sa kakulangan ng tauhan ay hindi ito agad naipatupad.
Sa kampanyang ”Oplan Isnabero” ay mababawasan ang mga taxi driver na kadalasang namimili ng pasahero.
Batay sa datos ng LTRFB, nasa 166 na reklamo ang kanilang natanggap laban sa mga drayber na ayaw magsakay habang 157 naman ang nai-report na naniningil nang sobra-sobra.