Oplan Iwas Paputok ikinakampanya sa Mariveles, Bataan

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Sa nalalapit na pagdiriwang at pagsalubong sa bagong taon ay nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at ang Lokal na Pamahalaan ng Mariveles sa kampanya ng Department of Health (DOH) at Philippine National Police (PNP) na Oplan Iwas Paputok. Hinikayat ang publiko na masayang salubungin ang pagpasok ng panibagong taon sa pamamagitan panunuod ng firework display sa kanilang lugar.

Sa Mariveles ay nagtakda ang lokal na pamahalaan ng lugar ng magiging area ng tindahan ng mga paputok. Matatagpuan ito sa may Tulay ng Brgy. San Carlos na hindi naman kalayuan sa Mariveles Fire Station. Mahigpit din ang ginagawang pagbabantay ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng PNP sa mga nasabing tindahan upang wala itong ipinagbibili na bawal na paputok.

Nag-paalala at nagbabala si P/Supt. Cris Conde, Chief of Police ng Mariveles, sa mga gun holder na iwasan at huwag ng magpaputok ng baril para sa kaligtasan ng publiko at makaiwas din ang mga ito sa asunto.

Nakaalerto pa rin sa kasalukuyan ang Municipal Health Office, Mariveles Paramedics at ilang Clinic at Hospital sa Mariveles para sa mga mapuputukan na hindi sumunod sa kabila ng maraming paalala ng Pamahalaan.

Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan

photo_2016-12-28_13-27-41

photo_2016-12-28_13-28-04