Oplan: SUMVAC, inilunsad na; NCRPO, naka-full alert

(Eagle News) — Ilang linggo bago ang pagsisimula ng mahabang bakasyon, inilunsad na ng Philippine National Police ang kanilang Oplan Summer Vacation 2017.

Bahagi nito ang paglalatag ng seguridad sa mga mall, terminal at mga paliparan bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabakasyon.

Ang National Capital Region Police Office o NCRPO ay naka full alert na bilang bahagi ng kanilang ipatutupad na seguridad.

Ayon kay NCRPO Chief Police Dir. Oscar Albayalde, mas paiigtingin nila ang kanilang police visibility at intelligence gathering para masiguro na magiging ligtas ang nalalapit na bakasyon.

Sa harap na rin ito ng pagkumpirma nila kamakailan sa presensya ng Maute group sa Metro Manila matapos maaresto ng QCPD si Nassip Ibrahim na umano’y suporter ng grupo dito sa Maynila.

NCRPO, walang planong ibalik sa Level 3 ang terror alert

Sa harap nito, wala raw plano ang NCRPO na muling ibalik sa level 3 ang terror alert sa Metro Manila na ngayon ay nasa moderate level na lang.

Hindi raw kasi nila ikinokonsiderang banta ang lider ng grupo na si Yusof Macoto na pinaniniwalaang nagtatago sa Cavite.

Maute group at sympathizer ng CPP-NPA, patuloy na imo-monitor ng PNP

Bukod sa Maute group, patuloy raw na minomonitor ng PNP ang mga Sympathizer ng CPP-NPA-NDF na nagsagawa ng kahapon ng pagkilos sa bahagi ng Cubao sa Quezon City.

https://youtu.be/c1htIAIOpyU