Oplan “TapHang” o “tapok hangyo,” isinagawa ng PNP sa Dipolog City

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nagsagawa ang Dipolog City Police Station ng “TapHang” o tapok hangyo sa Barangay Diwan, Dipolog City. Pangunahing layunin nito na maipaabot ang mga mahahalagang impormasyon sa mga residente ukol sa program ng Philippine National.

Sa lekturang isinagawa ay naging tagapakinig ang mga opisyales ng barangay, drug surrenderees, mga magulang at kabataan na sakop sa nasabing barangay. Ayon kay PO1 Mariel A. Mamintas, Assistant PCR, sa ganitong programa ay nais nilang ipaabot sa mga mamamayan na umiwas sa ipinagbabawal na droga. Nanawagan din sila na sumuko na ang mga patuloy pa rin sa paggamit ng ibinagbabawal na gamot sa ilalim ng MASA MASID program.

Ibinahagi naman ni PO1 Rahjich Necessario, Traffic Investigator, ang ukol sa pagkakaroon ng lisensya at rehistro ng mga behikulo. Nagkaroon din sila ng refresher course sa Barangay Peacekeeping Action Team (BPATS), auxialliary ng PNP sa mga barangay.

Samantala tinuruan din sila ng basic self defense sa pamamagitan ni PO3 Michael Cuenca. Ito ay upang lalo pang magampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan sa barangay na nasasakupan.

Lady Mae Reluya – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte

Related Post

This website uses cookies.