TAGBINA, Surigao del Sur (Eagle News) – Pagkatapos na maisagawa ang sunod-sunod na Drug Awareness Symposium ng Tagbina Philippine National Police (PNP), muli nilang binalikan ang mahigit 629 kabahayan sa isinagawa nilang Oplan Tokhang dito sa Tagbina, Surigao del Sur.
Muling kinausap at pinayuhan ang mga personalidad na kabilang sa drug watch list ng buong Munisipalidad ng Tagbina. Ipinaabot sa kanila na dapat gawing totohanan ang pagbabagong-buhay at tuluyan nang iwan ang iligal na droga.
Sa kasalukuyan ay naabot na ng Tagbina PNP ang 100% target na mabisita at makausap ang lahat ng nasa listahan ng mga drug personalities sa 25 barangay sa nasabing Bayan. Lalo pa aniya nilang paiigtingin ang mga pagbabantay sa mga sangkot sa iligal na droga upang maabot ang isang drug free community.
Issay Daylisan – Eagle News correspondent, Tagbina, Surigao del Sur