Ordinansa ukol paglalagay ng lifeguards at life saving kit ipapatupad sa Lianga, Surigao del Sur

LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagpatupad ng isang ordinansa ang Sangguniang Bayan ng Lianga, Surigao del Sur. Ito ay bilang tugon sa madalas na insidente ng pagkalunod ng mga bakasyunista. Inobliga nila ang lahat ng mga may-ari ng Beach Resort at mga paliguan na magkaroon ng rescue boat, life saving kit, at lifeguards. Ito ay upang magmamasid at magbabantay sa mga naliligong mga bakasyunista.

Ang sinumang masusumpungan na lalabag sa ordinansa ay papatawan ng kaukulang multa mula P500.00 hanggang P2,500.00. Maaari rin aniyang ikansela ang kanilang permit to operate. Paghihigpit ito dahil sa madalas na insidente ng pagkalunod ng mga bakasyunista lalo na sa panahon ng peak season o summer.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Lianga, Surigao del Sur

 

Related Post

This website uses cookies.