Organic Agriculture Training Seminar, isinagawa sa Bislig City, Surigao del Sur

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Isang training seminar tungkol sa organic agriculture ang isinagawa ng City Organic Agri-fishery Complex ng Bislig City, Surigao del Sur. Pinangunahan ng City Development Office ng Bislig ang nasabing Training Seminar. Dinaluhan naman ito ng iba’t ibang kooperatiba sa nasabing Lungsod.

Tinalakay at pinag aralan ang mga pamamaraan sa paggawa ng organikong abono, pagtatanim at natural na pag-aalaga at pagpapadami ng hayop.

Layunin ng ganitong training seminar na makapagbigay ng impormasyon sa mga magsasaka at nag-aalaga ng hayop. Ito rin ang pasimulang hakbang upang maging modelo ang Bislig City sa organic agriculture.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur

Related Post

This website uses cookies.