ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Ormoc dahil sa paghagupit ng bagyong Urduja.
Ayon kay Mayor Richard Gomez, inaprubahan na ng 14th Sangguniang Panlungsod ng Ormoc ang resolution No. 2017-354 na naglalagay sa naturang lungsod sa state of calamity.
Ito ay nauna nang inirekomenda ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).
Samantala, nauna nang isinailalim sa state of calamity ang Tacloban City dahil din sa pananalasa ng bagyong Urduja.
Sa pagpapasailalim sa state of calamity ng isang lungsod, maaaring magpatupad ng prize freeze sa lahat ng pangunahing bilihin sa mga apektadong lugar. Maaari ring humiling ang mga lokal na pamahalaan ng pondo para sa disaster response at relief efforts. (Eagle News Service)