Overcrowded na mga kulungan, problema pa rin ng BJMP

(Eagle News) — Pangunahing problema pa rin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga overcrowded na kulungan sa bansa.

Sa panayam sa Saganang Mamamayan, sinabi ni BJMP Chief Serafin Barretto Jr. na nakadagdag sa jail congestion ang kampanya ng pamahalaan kontra sa illegal na droga.

Inihayag pa ni Barreto na bagamat tumataas ang bilang ng mga nabibilanggo ay hindi naman ito dahilan upang itigil ang pagdetine sa mga lumalabag sa batas.

Dagdag pa ni Barreto, gumagawa naman ng programa ang BJMP para agad mapalaya ang ibang nakabilanggo lalo na ang napawalang sala subalit nananatili sa kulungan dahil walang pampiyansa.

Related Post

This website uses cookies.