Overseas remittances nitong Enero, nasa $2.2 bilyon; tumaas ng 8.6 %

(Eagle News) — Tumaas ng 8.6 percent (%) ang overseas remittances nitong Enero,  ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sinabi ni BSP Governor Amando Tetangco, nasa sa 2.2 bilyong dolyar ang mga naipadalang pera ng mga Overseas Filipino Workers sa bansa.

Nasa 1.8 bilyong dolyar naman ang remittances ng mga land-based worker.

Pangunahing mga bansa na nagbigay ng remittance ay nagmula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Singapore, Hong Kong, Quatar, Kuwait at Australia.

https://youtu.be/dI_hG_jHDPE