(Eagle News) — Ipinaiimbentaryo ng ilang opposition congressmen sa Malacañang ang P15.5-bilyong pondo na inilaan ng gobyerno sa katatapos lamang na ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit.
Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, dapat na i-account ang nabanggit na ASEAN Fund kung saan bahagi rin dito ang budget para sa Office of the President.
Iginiit naman ni Caloocan City Representative Edgar Erice na nararapat lamang na magpaliwanag ang administrasyong Duterte, bung bakit malaki ng iginugol na pera sa ASEAN, kung ikukumpara sa nagastos ng Aquino Administration sa Asia Pacific Economic Conference Leaders Summit noong 2015 kung saan host ang pilipinas.
Binigyang diin ni Erice na mas malaking grupo ang APEC kumpara sa ASEAN.