(Eagle News) – Aabot sa dalawang milyong piso ang gagastusin ng pamahalaan para sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Finance Undersecretary Paola Alvarez at siya ring spokesperson ng SONA’s preparations, kapareho lamang ito sa budget ng huling SONA ng dating pangulong Aquino .
Nakapaloob na aniya ang budget ng SONA sa 2016 national budget na inaprubahan ng dating pangulong Aquino at ng 16th Congress.
Ayon pa kay Alvarez, pinakiusapan na ng malacañang ang task force SONA sa kamara na simplehan ang sona ng pangulo dahil ayaw nito ng magarbong selebrasyon.