MARAWI CITY, Lanao del Sur (Eagle News) – Mahigit sa P20 milyon ang inilaan ng Philippine National Police (PNP) para sa konstruksyon ng Marawi City Police Station at iba pang community at public assistance centers sa lungsod.
Ito ay matapos mawasak ang ilang pasilidad sa lugar nang sumiklab ang giyera ng gobyerno at ISIS-inspired Maute group. Nasa Php-14.552 milyon ang kabuuang pondo para sa Marawi City Police Station, habang Php 1.205 milyon naman sa mga bakod at guard house nito.
Samantala, Php 1.362 miiyon naman sa kada itatayong community at public assistance centers at Php 1.519 milyon sa ground development ng istasyon.
Isasagawa ng PNP Engineering Service Bids and Awards Committee ang pre-bid conference sa December 5 habang ang opening of bids naman ay isasagawa sa December 19. (Eagle News Service)
https://www.youtube.com/watch?v=x224E3afWH0&feature=youtu.be