(Eagle News) — Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang 25.00 pesos na karagdagang sahod bawat araw ng mga minimum wage earners sa Western Visayas at Negros Occidental.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Region 6 OIC Regional Director Salome Siaton na siya ring chairperson ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, resulta ito ng serye ng konsultasyon at public hearings sa mga employer at manggagawa.
Ngunit nilinaw ng DOLE na hindi kasama sa wage increase ang mga kasambahay, personal drivers at ang mga manggagawa sa nakarehistrong micro business enterprise sa mga barangay.