P500 buwanang subsidy sa mga minimum wage earner isinusulong

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Pinag-aaralan na ng gobyerno at grupo ng mga manggagawa ang pagbibigay ng 500 pesos na buwanang subsidy sa mga manggagawang sumasahod ng minimum wage.

Ayon sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), sapul ng TRAIN law ang mga sumusweldo ng minimum dahil hindi naman ito kasama sa mga nadagdagan ang take home pay.

Kasabay ng paggalaw ng presyo ay bumaba naman ang purchasing power ng maraming empleyado.

Tinukoy pa ng grupo na tumatanggap ng 512 pesos ang minimum wage earner sa Metro Manila ngunit halos 357.29 pesos lamang ang tunay na halaga nito dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin dagdag pa ang iba pang gastusin.