P600,000 matatanggap ng atletang Pinoy na mananalo ng gold medal sa 30th SEA Games –PSC Commissioner

QUEZON CITY (Eagle News) — Tatanggap ng kabuuang P600,000.00 na insentibo ang bawat atletang Pilipino na mananalo ng gintong medalya sa SEA Games 2019. Ito ang ipinahayag ni G. Ramon Fernandez, komisyoner ng Philippine Sports Commission (PSC) sa isang media interview ngayong araw.

Ayon kay Fernandez, P300,000 ay magmumula sa PSC, batay sa isinasaad sa ‘Athletes Incentives Act’ para sa SEA Games, at P300,000 din ang ibibigay ng Philippine Olympic Committee.

Aniya, ang halagang ito ay maaaring madagdagan pa batay sa nababalitang ipagkakaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte na karagdagang insentibo sa bawat atletang mananalo ng gintong medalya.

Samantala, ang silver medalist naman ayon sa opisyal ay makatatanggap ng P150,000.00 at P60,000.00 sa bronze.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nagkamit na ng 54 gold, 37 silver at 19 bronze o kabuuang 110 medalya 30th SEA Games.

Related Post

This website uses cookies.