Paalala ng awtoridad sa paggamit ng ATM ngayong holiday season

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Nagpaalala si Police Chief Marcos Anod ng Tayug, Pangasinan sa mamamayan ukol sa paggamit ng Automated Teller Machine (ATM) ngayong holiday season.
Ayon sa kaniya na sa darating na holiday pag-mag-wi-withdraw ng pera sa ATM ay takpan ang pin code at huwag ipahahalata dahil nagkalat ngayon ang mga magnanakaw at masasamang.
Kung iiniwan naman ang tahanan ay huwag ipagkalat sa mga tao na mag-a-out of town at huwag ilalagay sa Facebook Account na magbabakasyon sa malayong lugar. Bago iwan ang bahay ay siguraduhing nakapad-lock ang pinto at gate, ibilin sa kapitbahay o sa mga barangay official.

Kapag sa maraming tao naman ay iwasang mag-display ng nga mamahaling gamit at iwasan ang magsuot ng kwintas o gamit na gold para hindi sundan ng magnanakaw. Iwasan rin ang maraming tao at iwas iwasan ang paglalakad sa madidilim na lugar para hindi masundan ng masasamang tao. Dapat na i-consider ang sarili bilang hard target at hindi soft target pag-makikita ka ng nga magnanakaw nakadisplay ang mga alahas at pera na pag nilapitan ay madaling mananakawan.

Huwag ipahalata sa mga tao na marami kang pera at dapat pangalagaan ang security na kung may dala-dalang malaking halaga ay laging kasama si tatay, nanay o kaya kamag anak para hindi maisahan ng mga masasamang loob.

Juvy Barraca – EBC Correspondent, Tayug, Pangasinan

This website uses cookies.