Tacloban, Leyte — Maaari nang lumipat ang mga biktima ng typhoon Yolanda sa mga itinayong pabahay ng gobyerno.
Matatandaang ipinag-utos ito ni Pangulong Dutete nitong Nobyembre sa paggunita sa ikatlong anibersaryo ng supertyphoon Yolanda na ikinasawi ng mahigit na 6,000 katao.
Ang pagpapalipat sa 827 na pamilyang nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013 sa mga bagong tayo na ‘relocation sites’ sa Tacloban, Leyte ay naganap nitong Sabado Disyembre 3.
Sa tulong ng ‘Office of the Presidential Assistant for the Visayas’ (OPAV) ay maari na ring lumipat ang natitirang 84 na Pamilya sa mga bagong tayong relocation site bago sumapit ang “holiday season” ngayong Disyembre. Inaasahan na matatapos ang lahat ng mga bahay na may koneksyon na ng kuryente at tubig sa susunod na linggo.
Narito ang ilan sa mga larawan ng ating mga kababayan na nakalipat na sa kanilang mga bagong tahanan nitong Sabado.
Photos are courtesy of the Office of the Presidential Assistant for the Visayas