Pag-apruba sa 2017 Annual Budget ng Cebu, ipinagpaliban

CEBU CITY – Ipinagpaliban ng Cebu City Council ang pag-apruba sa 2017 annual budget ng naturang lungsod.

Ito’y kaugnay ng ilang figures na kailangan pa umanong ayusin.

Nabatid na nagsumite ang committee on budget and finance ng legislative body ng P6.1-billion proposed annual budget para sa susunod na taon habang ang orihinal na proposed annual budget na isinumite ni Mayor Tomas Osmeña ay P7.2 billion naman.

Kaugnay nito, naglaan ng P88 million para sa quick response fund bilang bahagi ng P258-million proposed calamity fund.

Related Post

This website uses cookies.