Pag-divert sa ilang domestic flight sa Clark sinang-ayunan

(Eagle News) — Sang-ayon si Clark International Airport Corporation (CIAC) President and CEO Emigdio Tanjuatco III sa balak ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ilipat ang ilang domestic flight sa kanila mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Tanjuatco na walang magiging problema dito,  basta tulungan sila ng gobyerno na magpatayo ng karagdagang pasilidad.

Maituturing din aniya itong “welcome development” basta magkaroon lamang ng well-planned at coordinated program.

Noong nakaraang araw ay na-divert ang ilang flght sa Clark mula sa NAIA dahil sa nasirang runway.

This website uses cookies.