Pag-iimprenta ng official ballots para sa May 2019 elections, inaasahang matatapos sa ikatlong linggo ng Abril

(Eagle News) — Inaasahang sa ikatlong linggo ng Abril matatapos ang printing ng official ballots para sa 2019 midterm elections.

Sa huling linggo naman ng Abril ay nakatakda nang ipamahagi ang mga ito sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, ang mga official ballot ay ipadadala sa pamamagitan ng courier service na kinontrata ng Comelec.

Kasama rin sa ide-deliver ang mga precinct count optical scanner o PCOS machines.

“May contract tayo, tapos iba’t-ibang area po ang hawak nila. Unang bibyahe yung papuntang Mindanao dahil medyo malayo po iyon, sunod ang Visayas, huling-huli yung NCR (National Capital Region). May mga delivery truck ho tayo, mga courier na magdadala hanggang sa provincial level,” aniya.

https://youtu.be/sjz5HqXNUY8