(Eagle News) — Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang gobyerno sa plano nitong pag-phaseout sa mga bus na 15 taon na pataas.
Sa desisyon ng 12th division ng CA, sinabi nito na constitutional ang Department Of Tranportation and Communication (DOTC) order no. 2002-30 na dapat i-phaseout ang mga bus na masyado nang luma.
Nakasaad sa desisyon na karapatan ng gobyerno na ayusin ang “transport system” ng ansa para sa kaligtasan na rin ng mga commurter.
Nauna ng nagpetisyon ang National Confederation of Transport Workers at ibang mga transport group na ideklarang unsconstitutional ang nasabing plano subalit ito ay ibinasura ng CA.