Pag-upo ni Dela Rosa, hindi magdudulot ng demoralisasyon sa PNP – Mayor

PS/Supt. Wilben Mayor

(Eagle News) — Bagaman tatlong batches ng upper class sa Philippine Military Academy ang naungusan, hindi umano magdudulot ng demoralisasyon sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakahirang kay PC/Supt. Ronald dela Rosa bilang susunod na pinuno ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay PNP spokesperson PS/Supt. Wilben Mayor, inirerespeto aniya ng lahat sa hanay ng kapulisan ang sinumang ilagay ng pangulo sa posisyon maging nasa underclass man nila.

Kaugnay nito, magreretiro na rin sa serbisyo si Deputy Director General Danilo Constantino na kasalukuyang Deputy Chief For Operations.

Dahil dito, dalawa sa pinakamataas na posisyon sa PNP ang mababakante.

Posible umanong punan ito nina PC/Supt. Ramon Apolinario at PS/Supt. Rene Aspera na kasama sa mga ikinonsidera sa PNP chief position at parehong mga batang opisyal gaya ni Dela Rosa.

Samantala, agad umanong magsusumite si PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez ng kanyang courtesy resignation sa pag-upo ni President-elect Rodrigo Duterte sa Hunyo 30 upang bigyan ng pagkakataon ang susunod na PNP chief na masimulan na ang kanyang mga programa.

Related Post

This website uses cookies.