MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay US Secretary of State John Kerry na sang-ayon sa desisyon ng arbitral tribunal ang anumang pag-uusap na gagawin ng Pilipinas at China ukol sa West Philippine Sea.
Inulit naman ang ni Sec. of state Kerry ang paninindigan ng Estados Unidos na hindi ito papanig sa kung anumang bansa ang nagmamay ari ng West Philippine Sea.
Gayunman, malinaw na dapat sumunod sa batas ang mga bansang may kinalaman dito.
Si Sec. of State John Kerry ang pinakamataas na opisyal sa Estados Unidos na nag-courtesy call kay Pangulong Duterte mula nang siya’y manumpa bilang presidente ng bansa.