(Eagle News) — Asahan na ang mas mainit na summer season ngayong taon dahil sa epekto ng El Niño.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA), aabot sa 38.2 degree Celsius ang magiging temperatura sa Metro Manila sa oras na magsimula ang panahon ng tagtuyot o El Niño.
Papatak naman sa mahigit 40 degrees Celsius ang maaaring maging temperatura sa lungsod ng Tuguegarao, Cagayan.
Inaasahan din na mararamdaman ang epekto ng El Niño sa bansa sa pagtatapos ng Pebrero.
Sinabi naman ni PAGASA Administrator Vicente Malano, naabot na ang criteria para maideklara ang simula ng El Niño sa bansa.
Paliwanag ni Malano, ito ay tulad ng matinding init ng temperatura sa Pacific Ocean, gayundin ang halos walang ulan na nararanasan sa iba’t ibang panig ng bansa.