Pagasa, pinaghahanda na ang publiko sa pagsisimula ng summer season

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Mas makararamdam ng mainit na panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, bunsod ito ng easterlies o ang mainit at maalinsangang hangin mula sa Pacific Ocean.

Pero sinabi ng Pagasa na hindi pa opisyal na panahon na ng tag-init dahil umiiral pa ang northeast monsoon o hanging amihan sa hilangang bahagi ng Luzon.

Kamakailan ay inihayag ng weather bureau na posibleng magsimula na ang dry season o tag-init ngayong linggong ito.

Kung kaya  pinaghahanda na ng Pagasa ang publiko sa pagsisimula ng summer season.

Sa pagtaya ng weather bureau, aabot sa 35.9 degrees ang heat index sa Metro Manila.

Ang heat index ay ang temperatura na nararamdaman ng katawan ng isang tao batay sa air temperature at humidity.

https://youtu.be/OuyajAV_4P0